
Sabi ni Kuya pumili daw ng isang lugar dito sa Pilipinas kung san gusto mong pumunta. Ayan sa Cagayan de Oro yan, actually inspired yan sa movie na Forever and a Day.
Yan nga lang yung nahanap kong picture, pero kung papanuorin mo yung pelikula, makikita mo dun yung mga iba’t iba pang adventures na pedeng gawin sa lugar na yun, tulad ng Motor Biking, yung obstacle thingy, yung malaking bolang pagiikutan, yung magandang water falls na walang tao.
Basta nakakatuwa lang na meron pa palang ganong lugar sa Pilipinas. Yung world class yung dating. Yung maipagmamalaki naten na sariling atin. Adventurous kuno kasi akong tao, kaya ayan yung napili ko. :)
(Source: cheerupandsmilekid)
-
utaksabaw likes this
-
cheerupandsmilekid posted this

