☺ Cheer Up and Smile Kid! ☺

C'mon It's Just Me!
Hi, I'm Peter and you are? :)

I'm weird/different, but nothing's wrong with that, RIGHT?

BSPsych Graduate. Filipino. Awesome. :)

Loves music, HIMYM, family and Psych4A.

This blog is a sneak peak inside my brain, go roam around and tour it for free!

Birthday Countdown

 Smiling Kids on the loose imagevideokeman mp3
Kundiman – Silent Sanctuary Song Lyrics

C'mon LINKS LINKS LINKS

C'mon Hit Me With Your Best Shot! :)

SEARCH

cheerupandsmilekid:

Isa yan sa mga katagang sobrang tumatak sa utak ko mula sa sobrang ini-idolo ko na si BOB ONG. Pero sa pagkakataong to, hindi ako gaanong sang ayon sa mga salitang binitawan niya, bakit?

  • Imaginin mo, hindi nakakapag-aral ang mga mahihirap na bata dahil walang pera ang mga magulang. Walang edukasyon  = Walang trabaho = Walang pera = Mamatay ng mahirap. 
  • Imaginin mo naman kunwari nakapaghanap naman ng trabaho yung mahirap na yun.. Isipin mo, anong trabaho ang pwede niyang pasukan sa antas ng pamumuhay niya? At sa edukasyong natapos niya? Sa tingin mo ba aangat ang antas ng pamumuhay niya dahil dun? Maaring mabubuhay siya ng normal na nakaka-kain ng tatlong beses sa isang araw, pero mahirap pa din siya.

 Hindi sa dahil negative ang pananaw ko sa buhay, sinasabi ko lang ang nasa utak ko at sa tingin kong nangyayari at patuloy na mangyayari sa Pilipinas kung hindi kikilos ang gobyerno at hindi susuporta ang mga tao. (RH BILL) 

cheerupandsmilekid:

Simula ng nag-Tumblr ako, maraming nagbago saken, katulad ng mga ss:

  • Back to normal na yung pagta-type ko, tama na yung spelling ng mga words at may mga proper tuldok, exclamation point at question mark na lagi. In short di na ko Jejemon/Bebemon/Kikimon/Pokemon o kung ano man tawag dun. :P
  • Naging OC na ko sa paggamit sa YOUR at YOU’RE. Palagi ko na rin kino-correct mga kaibigan ko sa FB ‘pag mali sila sa paggamit jan. 
  • Tengene na ang mura ko.
  • Palagi na kong nauuna sa mga balita tungkol sa mga bagay bagay. Kasi usually nauuna sa Tumblr lahat, tapos sisikat na siya sa iba pang SN site after ilang weeks. Kaya madalas na banat ko sa mga kaibigan ko Been there, blogged that. 
  • Nawawalan na ko ng social life, dahil palagi ako nakababad sa Tumblr. Anong magagawa ko, e ang sarap lang talaga mag-stay dito sa site na to! :)
  • Mas madali ko ng nae-express ang sarili ko. Ginagawa ko kasing online diary kuno ang Tumblog ko.

At ang pinaka huli sa lahat

  • Feeling ko ang awesome awesome awesome awesome awesome ko na dahil dito sa Tumblr. :P
Tag(s): #101

Pinag-aralan namen yan sa Abnormal Psychology yan dati e.

Basta ang natandaan ko lang dun e,

Posers are people who suffer from a tragic/undesirable experience/phobia when they were young, so they try to imitate/copy people who they think is socially desirable/acceptable.. so they can somehow get away or forget the pain they suffer from the past.”

OHA? OHA! Di yan copy paste. Naisip ko lang yan. :)

So, please. WAG NA MUNA NATEN SILA I-JUDGE. 

(Source: cheerupandsmilekid)

Tag(s): #101 #poser

(Source: cheerupandsmilekid)

Tag(s): #101 #banat

Okay, alam kong mejo mahirap na maghanap ng babae na meron ng mga qualities sa taas. Sige na nga, okay na ko sa:

(Source: cheerupandsmilekid)

Tag(s): #101
  1. Unang unang dapat mong gawin e, Accept Accept Accept! Kailangan mo munang tanggapin lahaaat ng mga nangyari at yung mga pagbabago sa buhay mo. Alam kong masakit at mahirap yun, pero wala ka talagang choice kundi tangapin at yakapin ang pagbabago.
  2. Go get BUSY. Go to the movies. Listen to Music. Spend time with your family. Go bond with your friends. Meet new people.
  3. At kung di pa’ren gumana lahat ng yan at di ka pa’ren talaga masaya. Putangina balikan mo na ulit siya! :)

De joke lang. :) Time is the best way to move on. :)

    (Source: cheerupandsmilekid)

    Tag(s): #101

    Ang masama e minahal mo na nga ng todo todo e, nakukuha pang maghanap ng iba.

    (Source: cheerupandsmilekid)

    Tag(s): #101

    Itong post na to ay para kay Anon, ito na sasagutin na kita ng matino. Salamat na din sa pagbigay ng ideya sa ipo-post ko. Ganito po ako nag-start sa Tumblr:

    1. Una jan syempre nagsimula ako sa pagre-reblog ng lahat ng mga bagay na nakaka-relate ako. Kahit mga picture ng kung anu-ano na maganda sa mata ni-reblog ko.
    2. Mejo naumay na ko sa mga larawan, kaya puro text posts at text pictures (may ganito ba?) na nirereblog ko. O diba improving! :P
    3. Tas yun mejo nainspire na ko sa mga magagaling gumawa ng mga typos, kaya sinubukan ko rin naman yun. Nakakatuwa at meron nagla-like at nagre-reblog ng gawa ko.
    4. E na-realize ko ampanget ko gumawa ng mga typos, wala talaga ko kasing talent sa art art na yan. :P Kaya ayun naisipan ko ng magbahagi ng aking sarili. Basta puro text posts na tungkol sa buhay ko, feeling BobOng lang. :P

    (Source: cheerupandsmilekid)