☺ Cheer Up and Smile Kid! ☺

C'mon It's Just Me!
Hi, I'm Peter and you are? :)

I'm weird/different, but nothing's wrong with that, RIGHT?

BSPsych Graduate. Filipino. Awesome. :)

Loves music, HIMYM, family and Psych4A.

This blog is a sneak peak inside my brain, go roam around and tour it for free!

Birthday Countdown

 Smiling Kids on the loose imagevideokeman mp3
Kundiman – Silent Sanctuary Song Lyrics

C'mon LINKS LINKS LINKS

C'mon Hit Me With Your Best Shot! :)

SEARCH

Ted Mosby, How I Met Your Mother

(Source: cheerupandsmilekid)

Ways to be happy according to a lonely man named me. 

(Source: cheerupandsmilekid)

Tag(s): #101

(Source: cheerupandsmilekid)

Simula ng nag-Tumblr ako, maraming nagbago saken, katulad ng mga ss:

At ang pinaka huli sa lahat

(Source: cheerupandsmilekid)

Tag(s): #101

cheerupandsmilekid:

Isa yan sa mga katagang sobrang tumatak sa utak ko mula sa sobrang ini-idolo ko na si BOB ONG. Pero sa pagkakataong to, hindi ako gaanong sang ayon sa mga salitang binitawan niya, bakit?

  • Imaginin mo, hindi nakakapag-aral ang mga mahihirap na bata dahil walang pera ang mga magulang. Walang edukasyon  = Walang trabaho = Walang pera = Mamatay ng mahirap. 
  • Imaginin mo naman kunwari nakapaghanap naman ng trabaho yung mahirap na yun.. Isipin mo, anong trabaho ang pwede niyang pasukan sa antas ng pamumuhay niya? At sa edukasyong natapos niya? Sa tingin mo ba aangat ang antas ng pamumuhay niya dahil dun? Maaring mabubuhay siya ng normal na nakaka-kain ng tatlong beses sa isang araw, pero mahirap pa din siya.

 Hindi sa dahil negative ang pananaw ko sa buhay, sinasabi ko lang ang nasa utak ko at sa tingin kong nangyayari at patuloy na mangyayari sa Pilipinas kung hindi kikilos ang gobyerno at hindi susuporta ang mga tao. (RH BILL) 

cheerupandsmilekid:

Meron mga iba’t ibang klase kumpano magpalaki, magdisiplina at magmahal ang mga magulang. Ilan lamang ang mga sumusunod sa aking mga nasasa-saksihan o nakikita sa aking mga kamag-anak, kaibigan, kakilala at sa aking sarili na rin na iba’t ibang klase ng mga magulang.

  • Mama/Papa Hitler:  Ito siguro ang pinaka-sikat or talamak na uri ng mga magulang, lalong lalo na dito sa Pilipinas. Ito yung mga magulang na sobrang pinapakita na powerful sila, na sila ang Boss, na sila lagi ang tama, na lagi ka dapat makikinig/susunod sa kanila, kung hindi patay kang bata ka.
  • Daddy/Mommy Simon Cowell: Ito yung mga magulang na sobrang perfectionist. Madalas ang linya ng mga yan e, “Kelangan maka-perfect ka sa exams mo!”, “Kelangan Valedictorian ka pag-graduate” o  ”Kailangan sa UP ka makapag-aral” Ito yung mga magulang na sobrang taas ng expectations sa kanilang mga anak.
  • Papa/Mama Teen: Okay base sa pangalan, mga magulang na sa murang edad palang ay may anak na. Ito naman yung mga magulang na hindi pa handa physically, emotionally at financially sa pagpapalaki ng anak, kaya sa mga lola’t lolo umaasa ang ikabubuhay ng kanilang baby.
  • Mommy/ Daddy Negosyante:  Eto yung mga magulang na para bagang gumawa ng anak para pagkakitaan, yung tiping ginagawang Pulubi, magnanakaw, street vendor or worse sex slave ang mga anak nila. Napanuod ko kasi sa news kagabi kumpano ginawang Cybersex model ng mga magulang ang sariling anak nila. 
  • Mama/Papa Free: Ito naman yung mga magulang na sobrang luwag sa mga anak nila, yung tipong pwede kang umuwi ng madaling araw kung gusto mo, yung tipong parang barkada lang yunn relationship ng magulang at anak. Yung tipong minsan parang walang pakialam na yung magulang sa’yo. Pero ang totoo e, sobra lang talaga tiwala ng magulang sa anak. 
  • Mommy/Daddy OFW: Okay, mula palang sa pangalan, ito yung mga magulang na wala physically with their children, kasi nga nagta-trabaho sila sa malayong lugar para matustusan ang financial need ng anak, pero ang down side, hindi napupunan ang emotional needs ng anak.
  • Mama/Papa Superhero: Ito na siguro ang pinaka the best na uri ng magulang sa mundo. Ito yung pinagsama-samang uri ng mga magulang, yung kayang magpaka-hitler kung kina-kailangan, yung pwede rin maging mama/papa free kung nasa lugar. Basta eto yung magulang na palaging nandyan pag kailangan mo. Yung handang umagapay sa’yo sa lahat ng oras kapag kailangan mo ng tulong. 

 Kung ano mang magulang meron ka, Sana e alagaan, pagtiisan, at mahalin nalang naten sila. Kasi kahit ikot-ikotin or pagbali-baliktarin mo man ang mundo, it wouldn’t change a fact na magulang mo sila. Tandaan mo, isa lang sila at once na mawala sila.. Wala na sila. LOL. :)

Isa sa pinaka sikat na kasabihan sa bansang Pilipinas e yung, TRY AND TRY UNTIL YOU SUCCEED. Maaring tama nga naman yan, pero mas naniniwala na ko sa kasabihang TRY AND TRY UNTIL YOU LEARN SOMETHING FROM IT. 

Make sense? Isipin mo nalang kung bakit. :P

(Source: cheerupandsmilekid)

(Source: cheerupandsmilekid)